ALBAYALDE, INOSENTE: IMBESTIGADOAR NG PULISYA, WALANG IPINAKITANG EBIDENSIYA
Abswelto ang pangalan ni dating PNP Chief Oscar Albayalde na binigyang linaw ni Ret. Brig. Gen. Manuel Gaerlan, isang dating imbestigador ng pulisya. Ayon kay Gaerlan, wala raw testimonya o ebidensiya na nag-ugnay kay Albayalde sa kontrobersyal na buy-bust operation noong 2013 sa Pampanga na kilala bilang kaso ng "ninja cops."
Ang operasyon noong Nobyembre 2013 ay kinasangkutan ng mga pulis na inakusahan na muling nagbebenta ng nasamsam na droga. Hindi man matukoy si Albayalde na kasangkot, nananatili ang imahe ng kontrobersiya, lalo pa't siya ang naging hepe ng Pampanga noon. Subalit ayon kay Gen. Gaerlan, walang batayan para litisin siya ngayon.

Ang pahayag ni Gaerlan ay salamin ng hamon sa hustisy, paano tinukoy, hinabol, o masasabing responsable ang isang opisyal kung wala namang konkretong ebidensiya. Para sa marami, ang mataas na antas ng paglilinis ng pangalan ni Albayalde ay posibleng magdulot ng hamon sa mga dokumentadong testimonya laban sa kanya noong nakaraang Senado at DOJ proceedings.

Sponsored